Ang malaking pagkakaiiba ng kultura ng kabataang Pilipino sa kabataang Amerikano ay malakas at kapuna-puna. Ang pagkakaiba ay maaaring umunti o kumupas sa paglipas ng panahon. Kasama sa paglunsad at paglago ng teknolohiya at ang paglilipat ng mga tao sa iba’t-ibang lugar ang mga dahilan sa paghahalo ng maraming mga kultura. Nguni’t may mga bahagi ng kultura na hindi magbabago at mayroon din na mag-iiba.
Sa aking palagay, ang mga kabataan ay naaapektohan ng kanilang mga paligid, Ako’y naniniwala na ang pagkakaiba ng mga kultura ay mananatili kahit hindi kapuna-puna.
Aking tatalakayin ang pagkakaiba ng kabatang Pilipino sa kabataang ng Amerika. Gusto ko lang na malaman ninyo na tinatalakay ko ito ng buo, hindi isa-isang bahagi.
Magpapasimula ako sa pagkakaiba ng pamilya ng Pilipino at ng Amerikano. Nakikita ko ang malaking pagkakaiba dito. Ang pamilya ng Pilipino ay mas matatatag, malakas, at magkakalapit sa kanilang relasyon kaysa sa Amerikano. Ito ay tutuo sa sariling pamilya at sa mga kamaganakan.
Ako’y naniniwala na alam ninyo ang ibig kong sabihin tungkol sa "pamilya ng Pilipino". Ito’y napakahirap ipaliwanag sa iba dahil kasama nito hindi lang ang kadugo mo. Kahit ang mga kapit bahay natin na hindi naman kamaganak ay tinatawag nating "Tiyo" o "Tiya" lalo na sa probinsiya. Ang mga nakatatanda sa ating pamilya ay tinatawag natin ng may pag-galang. Halimbawa, ang nakakatandang kapatid na lalaki ay tinatawag natin ng "kuya", "diko", o "sangko". At ang babae ay "ate", "ditse", o "sanse". Ganagamit din natin ang "po" at "ho" para ipakita natin ang ating pag-galang. Ang mga Amerikano ay walang ganitong tawagan.
Bihira mong marinig na ang kabataang Pilipino ang gumasta sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Hindi karaniwan sa mga kabataang Amerikano na sila ang magbayad ng kanilang pang kolehiyo. Ito ay dahil sa tulong ng kanilang trabaho tuwing tag-araw o sa kanyang pag-utang sa banko (student loan). Ang mga estudyante ay nanatiling nakatira sa bahay ng magulang habang nag-aaral. Karamihan ay nakatira sa bahay hanggang mag-asawa o makakuha ng matatag na trabaho. Ang mga kabataang Amerikano ay umaalis sa bahay pag nag-aaral sa kolehiyo. Kung minsan ay mas maaga pa rito ang pagalis sa bahay.
Ano ang kaalabasan ng ganitong kaayusan sa mga kabataang Pilipino at Amerikano? Dahil malapit ang pagtingin at paglingap ng pamilya ng Pilipino, ang mga kabataan ay natututong sumunod sa mga batas ng pamilya , relihiyon, at ng mga kapwa tao. Ang mga kabataan sa Amerika ay mas may kalayaan at mas madalas silang mag rebelde.
Ang mga kabataang Pilipino ay mas matanda sa uso kaysa sa mga kabataang Amerikano. Ang paglalagay ng kulay sa pisngi at labi ng mga babae ay hindi karaniwan sa Pilipinas. Sila ay dumidepende sa pamilya at mga katulong sa bahay. Dahil dito, mas mabagal ang pagtanda nila sa pagiisip. Ang mga kabataang Amerikano ay mabilis sa pagiging makasarili.
Ang kabataang Pilipino at kabataang Amerikano ay nakikibahagi sa maraming at magkatulad na gawain o pagpapalipas ng oras. Halimbawa, sa kanilang pakikinig ng musika o panonood ng sine. Mapapansin mo pa rin ang kaibahan ng kanilang mga gusto. Ang Amerika ay mas maunlad sa teknolohiya ng sine, at musika. Samantalang ang Pilipinas ay nahuhuli sa panahon. Magkaiba ang tinatalakay nilang mithiin.
Ang mga sinasamahan ng mga kabataang Pilipino ay kaiba sa kabatang Amerikano. Sa Pilipinas, ang mga kabataang lalaki ay hiwalay sa kabataang babae. Samantalang sa Amerika ang mga kabataan ay halohalo.
Parehong gusto ng kapwa kabataan ang pumunta sa dalampasigan. Subalit ang mga dahilan sa pagpunta ay magkaiba. Ang mga kabataang Pilipino ay gustong maglangoy at magpalamig sa tubig dahil mainit sa Pilipinas. Mas gusto ng mga kabataang Amerikano ang magpainit at maglantad ng kanilang maputing balat sa sikat ng araw. Ganoon din ang pagpunta sa "mall". Ang mga Pilipino ay pumupunta sa "mall" upang mag-palamig. Ang mga Amerikano ay pumupunta sa "mall" kung maybibilhin.
Magkakaiba ang mga larong gusto ng mga kabataang sa mataas na paaralan at sa kolehiyo. Ang mga kabataang Pilipino ay mahilig sa "basketball’. Ang mga kabataang Amerikano ay mahilig sa "football".
Higit na maraming "sports" ang inihahandog sa mga kabataang Amerikano kaysa sa kabataang Pilipino.
Maraming pagkakaiba ang kabataang Pilipino sa kabataang Amerikano.
Ang dahilan nito ay ang pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas at ng kultura sa Amerika.