Embutido
1 kilo giniling na baboy
1.5 tasang gatas
2 chorizos de bilbao tinadtad
2 binating itlog
3 kutsarang atsara
3 kutasarang pasas
asin at paminta na tama sa inyo
Haluin lahat ang mga sangkap maliban sa binating itlog.
Ibalot ito sa "foil" at pakuluin sa palayok ng isang oras. Pagkatapos pakuluin
ang embutido, batihin ang itlog at prituhin hanggang maging braun.
Cassava Bibingka
4 tasang ginadgad na cassava
2 tasang gatas ng niyog
1 o 1.5 tasang asukal
banilya na tama sa inyo
Haluin ang mga sankap. Ibuhos ito sa kawali at lutuin sa hurno sa 350 antas ng 45 minuto sa isang oras. Alam mo luto na ang bibingka kapag sinaksak mo ng isang "toothpick" at walang dumikit sa "toothpick."
*************************************************
Vocabulary
Mga kakalitaan para sa lutuin
Boil – pakuluin
Steam – pasingawan
Saute – igisa
Fry – pirituhin
Broil – inihaw
Bake – ihurno; lutuin sa hurno
Blanch – banlian
Baste – pahiran ng mantika o ng sarsa
Cut – hiwain
Chop – tadtarin
Pit – alisan ng buto
Beat – batihin
Marinate – ibabad sa suka at langis