Pagbibigay ng Direksyon

(Si Rhea ay freshman. Nagtatanong siya ng direksyon sa klase niya.)

Rhea: Kumusta ka , Don! Alam mo ba kung nasaan ang Williams Hall?

Mayroon akong klase doon ng alas sais.

Don: Alam ko kung nasaan iyan. Saan ka galing?

Rhea: Nakatira ako sa ‘High Rise East.’ Doon ako mangagaling.

Don: Dumaan ka sa Locust Walk. Dumaretso ka hanggang 36th Street. Doon, kumanan ka. Dumaretso ka papuntang Spruce Street. Sa kanto ay Williams Hall. Madaling puntahan ito. Ano nga pala ang klase mo doon?

Rhea: English ang klase ko. Maraming babasahin at susulatin para sa klaseng iyon pero mahusay ang guro namin.

Don: Eh, mabuti naman ‘yan. Hoy, mag-aala sais na pala. Pumunta ka na at baka mahuli ka sa klase mo.

Rhea: Ay naku!

Don: Gusto mo bang sumama ako sa iyo. Hindi malaking abala.

Rhea: Salamat, Don, pero okay lang ako. Magkita muli tayo. Bay!

Don: Walang Anuman. Bay!
 
 

Vocabulary

Diretso - to proceed on in a straight direction

Kanan - right

Kaliwa - left

Lumiko - turn

Dumaan - pass by

Abala - bother
 
 

*************************************

Panahon

Carina: Ay naku! Napakaganda ng panahon ngayon! Ma-araw at hindi

masyadong mainit. Gustong-gusto ko ang panahong ito.

Eric: Oo nga, pero sa gabi, kailangan mo ang ‘jacket’ kasi medyo malamig na. Ano ang ginagawa mo ngayon?

Carina: Mayroon akong tatlong examen sa linggong ito. Talaga kong

kailangang kailangan mag-aral ngayon. Bakit, saan ka pupunta?

Eric: Pupunta ako sa bahay ng tiya ko para sa isang ‘picnic’. Tatanungin ko

sana kung gusto mong sumama. Paminsan-minsan lang akong pumunta doon. Masaya at maraming pagkain doon. At saka, alam mo, sa Martes, napaka-lamig na ng panahon. Napakababa ng temperatura. Malaking pagbabago.

Carina: Talaga?! Nakakainis ang panahong ito. Isang araw ay napakaganda at mainit-init. Pero sa susunod na araw ay malamig na malamig.

Eric: Kailangan na nating ilabas ang mga baro natin na para sa tag-lamig.

Kailangan ng kapalan ang suot natin. Isusuot na natin ang makapal na coat,

medyas, gloves, sweaters at mga pantalon. Sumama ka na sa akin. Samantalahin natin ang magandang araw na ito.

Carina: Diyos ko! Gusto ko pero, talagang hindi ako puwede. Sa isang

beses na lang. Okay lang ba?

Eric: Sigurado ka?

Carina: Oo, sigurado ako.

Eric: O sige, uuwian na lang kita ng adobo, kanin at saka leche plan.

Napakasarap magluto ng tiya ko.

Carina: Maraming salamat Eric!!! O, magkita na lang tayo sa klase sa

Martes.

Eric: Oo, sa Martes. Huwag mong kalimutan na kapalan ang suot mo.

***************************************************************************************************

Mga Panahon sa Pilipinas

Tag-araw


 
 

Tag-ulan



To check out the current weather conditions in the Philippines, go to:
http://www.usatoday.com/weather/basemaps/nw984290.htm

or

http://weather.yahoo.com/regional/Philippines.html
 

Vocabulary

Panahon - weather

Malamig - cold

Mainit - hot

Ulan - rain

Kapalan - make thick

Samantalahin - take advantage of

Maulap - cloudy
 
 

Mga Panahon sa Amerika





Sa tag-lamig ay may snow.
                                                                  Ang tempuratura ay masadong malamig.
 

Sa tag-sibol, ay gumaganda ang paligid dahil
                                                                nabubuhay ulit ang mga halaman.
 

Sa tag-init masarap lumangoy. Mainit ang araw.
 

Sa tag-lagas, ang dahon ay iba’t iba mga kulay:
tsokolate, berde, pula, at orange.