Ang Mga Alamat

 Mahalagang bahagi sa kultura ng Pilipinas ang mga alamat. Ipinapaalam ng mga alamat paano nagsimula o bakit ganoon ang kalagayan ng mundo o ng tao. Hanggang ngayon, ibinibida ng mga ina ang mga alamat sa kanilang anak. Pero, nakakalimutan ang maraming alamat dahil hindi na nakukuwento ito. Maraming alamat ay tungkol sa araw, buwan, at mga bituin. Nagpapaliwang ang mga alamat: bakit sumisikat ang araw at ang buwan sa ibang oras ng araw, bakit ang araw ay mas maliwanag kaysa sa buwan, at ang pinagmulan ng mga bituin.

 

Ang kasunod na alamat ay nagpapaliwanag bakit ang araw ay mas maliwang kaysa sa buwan.

 

            Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , nakatuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuaso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

 

Ang ibang alamat ay nagpapaliwang bakit ang langit ay mataas.

 

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon. Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbumayo ng palay. Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit. Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.

 

            Nagpapaliwanag ang ibang alamat ng pinagmulan ng maraming halaman.

 

Ang Alamat ng Pinya:

 

            Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, “Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata!” Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.

Ang Alamat ng Saging:

Lumigaw ang lalaking pogi ng magandang-magandang babae. Ngayon lang nakakita ang babae ng ganitong kadakilang lalake. Sinabi ng dakilang lalake na nakatira siya sa malayung-malayong lugar. Naniwala ang babae na nakatira ang lalake sa ibang mundo. Nagtanong siya, “Ano ka ba?” Ngumiti ng malungkot ang lalake sa kanya. Sabi niya, “Ito na ang huling pagtatagpo natin.” Siya ay ang elf-prince at pakakasal  siya sa unang babae na tatanggap sa kanya ng walang tanong. Pagkatapos, sabi niya, “Kailangang lumakad na ako ngayon.” Paghawak ang babae sa kamay niya ay nawala ang elf-prince, iniwan niya ang kanyang mga kamay sa lupa. Naghukay ang babae sa lupa at inilagay niya ang mga kamay sa hukay. Pagkatapos, isang araw, noong nag-ukol ng galang siya sa pook, nakakita siya ng halaman. Nakakita siya na halaman na may bungang dilaw at mukhang mga daliri. Ito ang huling alay ng kanyang elf prince. Ang unang nakilalang saging ay nanggaling dito.

 

References:

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/folktales/mythsintroduction.htm

http://www.veranda.com.ph/arcega/folklore/main.htm