Ang Bayani Ng Pilipinas

 

Si Dr. Jose Rizal

    Ang pinakadakilang anak ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal.  Siya ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861, sa Kalamba, Laguna.  An unang guro ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang ina, si Teodora Alonzo.  Nag-aral siya sa Binan, Laguna at nagpatuloy sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.  Narating niya ang maraming bayan.  Maraming wika ang kanyang natutuhan.  Marunong siya ng Kastila, Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Portuges, Olandes, Latin, Griyego, Arabe, Intsik, Ruso, Suwiso, Nippongo, at iba pa.  Dahil sa kanyang pagmamahal sa sariling bayan ay nag-aral siyang mabuti.  Inihandog niya sa bayan ang kanyang buhay.  Nagbubukang-liwayway noong umaga, ika-30 ng Diseyembre, 1896, nang si Dr. Rizal ay barilin sa Bagumbayan (Luneta) na ngayon ay Roxas Boulevard..

     Ang tula ni Dr. Jose Rizal ay nasa ibaba.  Sinulat niya ito noong walong taon lamang siya.
 



 

SA AKING KABABATA
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit
sanlang kalayaa'y nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
***
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda
kaya ang marapat, pagyamaning kusa
na tulad ng isang tunay na nagpala.
***
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
sa Ingles, Kastila, at salitang anghel
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang Siyang naggawad, nagbigay sa atin.
 
 

Balik sa HOMEPAGE