Mark Patron SINGKIL
Ang Singkil ay isang kinaugaliang sayawang Pilipino na natutulad sa isang kuwento ng engkanto. Itong sayawan ay isang pagkakahalo ng kaharian, romansa, peligro, pagaalaala, pagliligtas, tapang, at galang. Para sa mga mananayaw, kailangan silang maging marikit at maliksi. Kailangan silang gumamit ng ritmo. Mayroon maraming kaibhan at pakahulugan ng simula, kasaysayan, at paggawa ng Singkil. Ang Singkil ay isang sayawan ng kahariang Muslim na nagsimula sa Lanao del Sur. Ayon sa ilang kaalaman, ang salita singkil ay ang salitang Maranao para “getting a leg or foot entangled in an object.” Sa ibang kasabihan, ang pangalan ng Singkil ay galing sa mga kampana sa mga bukung-bukong ng mananayaw. Sa saligang sayawan ng Singkil, may dalawang pares ng posteng kawayan sa hugis ng krus. Nag-“cliclick” ang mga mananayaw ng posteng kawayan sa ritmo ng tansong agong. Mayroon musika ng kotiyapi (gitarang kawayan), insi (plautang kawayan), kobing (alpa), at tintikan (baras na metal). Ang mga mananayaw ay isang princesang Muslim, kaniyang katulong, at isang prinsipe. Itong mananayaw ay tumatapak sa gitna ng mga posteng kawayan. Hindi naiipit ang mga paa nila sa mga posteng kawayan. Walang maliwanag na bilang o tularan ng tapak. Nagsusuot ang mga mananayaw ng makulay na baro. Ang princesa ay nagdadala ng apir o abaniko, ang mga katulong ay nagdadala ng payong, at ang prinsipe ay nagdadala ng espada. Mayroon ibang kaibhan ng Singkil. Sa isang kaibhan, sumasayaw ang princesa nag-iisa; walang prinsipe. Sa ibang kaibhan, walang musika. May tansong agong lamang. Ang batayan ng Singkil ay ang Maranaong alamat, “Darangan.” Sa itong kuwento, si Princesa Gandingan ay naglakad sa gubat kasama sa kaniyang katulong. Mayroon diwatas o engkanto na gusto nilang lokohin ang princesa. Gumawa ang diwatas ng lindol. Nahulog ang mga puno, at gumulong ang mga buto. Si Princesa Gandingan ay hindi nag-alaala, at tumabi siya sa mga puno. Hindi sinaktan ang princesa. Ang mga posteng kawayan ay sumasagisag ng mga puno na nahulog. Sa tapos, isang prinsipe ay dumating at sinagip ang princesa. Mayroon ibang pakahulugan ng Singkil. Sa isang pakahulugan, hindi kailangan sagipin ng prinsipe ang princesa. Sinagip ng princesa sa sarili niya. Sa ibang pakahulugan, sumasayaw ang princesa sa kaniyang hardin kasama sa kaniyang katulong. Ang mga apir o abaniko ay sumasagisag ng mga paruparo na lumilipad malapit sa princesa.
References:
|