Sarap Na Sarap!



Leche Plan (Pula ng Itlog)

10 pula ng itlog ng manok
1 latang (malaki) gatas ebaporada
1 latang (malaki) gatas kondensada
1.5 tasang puting asukal
1 kutsarang ginayat na balat ng dayap o
kutsaritang vanilla

Lusawin ang asukal sa gatas na malabnaw o ebaporada.  Ilahok sa pula ng itlog at gatas kondensada.  Huwag babahitin.  Halo lamang ang gawin.  Salain sa supot ng asukal Ihalo ang balat ng dayap na ginadgad o vanilla.  Isalin sa liyanerang may arnibal. Pagkatapos, pasingawan sa lutuan ng puto o malaking kawali o kalderong may kumukulong tubig.
 
 

Leche Plan (Puti ng Itlog)

10 puti ng itlog ng manok
1 latang maliit na gatas ebaporada
1.5 tasang asukal na puti

Lusawing mabuti ang asukal sa puti ng itlog at gatas.  Salain at lagyan ng vanilla o balat ng dayap.  Ilagay sa liyanerang may arnibal at lutuin nang tulad din ng pagluluto ng pula ng itlog.  Kung nais ay malalagyan ito ng pasas.
 
 

Arnibal para sa Leche Plan

1 tasang asukal na puti
1/4 tasang tubig
 

Pakuluin ang tubig na kasama ang asukal as isang kaserola at pabayaang kumulo hanggang sa pumula.  Huwag hahaluin.  Kapag mapula at malapot na ay ibuhos ng tigkakaunti sa mga liyanerang paglulutuan ng leche flan.


 

Kalamay Na Pinipig

2 litrong piniping
2 niyog
1 puswelong asukal
 

Kudkurin at pigain ang niyog upang makakuha ng 3 puswelong gata.  Ibabad ng ilang sandali ang pinipig sa 1.5 puswelong gata.  Pakuluin sa kawali ang nalalabing gata na kasama na ang asukal.  Huwag lulubayan ang paghalo.  Pagkulo'y ihulog ang ibinabad na pinipig.  Hinaan ang apoy.  Huwag ding lulubayan ng paghalo hanggang sa lumapot at magmantika nang bahagya ang kalamay.  Isalin sa bandeha.  Budburan sa ibabaw ng tinustang niyog (sapal ng ginatang niyog).
 
 
 

Kutsinta at Niyog

1 tasa ng Gold Medal All-Purpose flour
1 tasa ng pulang asukal
2 tasa ng tubig
1 kutsarita ng lihiya
yellow food color o atsuete
pangkulay
ginadgad na niyog

Lagyan ng tubig hanggang sa kalahati ang pasingawan.  Pakuluin.  Sa isang mangkok, paghaluin ang mga sangkap maliban as niyog.  Haluin na mabuti.  Isala Punuin ang bawat butas ng muffin pan.  Pasingawan nang 10 hanggang 20 minuto.  Palamigin bago alisin sa pan.  Ihain kasama ng ginadgan na niyog.
 






Ang mga recipes ay galing sa Filipiniana 1996, Philippine Community of Southern New Jersey, Inc.
 

Back to Homepage